You know that thing when you see someone cute and he smiles and your heart kind of goes like warm butter sliding down hot toast? Well that's what it's like when I see a store. Only it's better.
:
ANG SARAP BAYAGAN!
Ganito kasi yung nangyari:
Nasa bus ako papuntang Manhattan. Huminto kami sa isa sa mga bus stops sa may "Filipinotown"-- kung nasan maraming nakatirang mga Pilipino at kung saan nandun din yung Jollibee at iba pang mga Fil. restaurants.
Isa lang yung pababa, Pilipina siya, base sa itsura nya, kaso mabagal siya kumilos kasi lola na siya. Isa lang din yung papasok ng bus. Isang dambuhalang baklang matrona. Sa ganitong mga situation, hindi ba ETIQUETTE lang naman na dapat pinapauna ng mga pumapasok yung mga lumalabas? Kung sasakay tayo ng elevator, hindi ba pinapauna muna natin yung mga nasa loob? Common sense na kasi yun, para maayos ang daloy.
Ngayon, itong si Bakla, hindi yata makapag antay. Pumasok sya agad, pinasok yung ticket sa machine at tinitigan lang si Lola. Si Lola hindi makababa kasi nakaharang yung mala-trosong katawan ni Bakla sa daanan papuntang pinto. Ano man lang ba yung tumagilid sya para padaanin yung matanda diba?
Tapos eto, nagulat nalang ako nung biglang sumigaw si Bakla ng,
"PUTANGINA DI MAUNA KA! PUTA! HAMPASLUPA!" Maski yung mga kaharap kong Espanyola eh napatingin din at napailing dahil syempre narinig nila yung "
Puta."
Si Lola tahimik parin, walang imik. Pero itong si Bakla, sinusundan parin ng tingin si Lola hangang makababa na sya ng tuluyan sa bus. Yung tingin na tipong nakakamatay. Tapos umandar na yung bus kaya naglakad na siya sa aisle para humanap ng upuan. Habang naglalakad, sinigaw na naman nya,
"MOTERFUCKING FILIPINA!"BWIIIISET! Nag-init talaga tenga ko dun! Ang sarap sabihan ng, "PUTA MOTHERFUCKING FILIPINA PALA AH! AKO FILIPINA AKO-- IKAW, WISH MO LANG NA SANA NAGING FILIPINA KA!"
NAKAKAASAR. Napaka-hambog! Walang respeto sa matatanda at lalong walang respeto sa pinanggalingan nya. Nakatapak lang ng Amerika at naging kulay mais lang yung dating itim nyang buhok, na kasing itim ng ugali nya, akala mo kung sino ng umasta.
Nakakasama lang ng loob yung mga kababayan nating ganyan ang ugali. Nakalimutan na yata nila yung mga pangaral satin si Gat Jose Rizal.
|